OVP, binisita ang satellite office sa Zamboanga City

OVP, binisita ang satellite office sa Zamboanga City

BINISITA ni Vice President Sara Duterte ang Office of the Vice President (OVP) Satellite Office sa Zamboanga City noong Nobyembre 2024.

Ito ay bahagi pa rin ng pagdiriwang ng ika-89 na anibersaryo ng OVP.

Kinamusta ni Vice President Sara Duterte ang mga kasamahan doon at pinasalamatan sa kanilang serbisyo sa bayan.

Ipinaabot din ni VP Sara nitong Kapaskuhan ang pagbati ng Maligayang Pasko kapiling ang kanilang pamilya at mahal sa buhay.

Namahagi rin ang bise presidente ng mga wheelchairs sa mga benepisyaryo.

Ani VP Sara, natutuwa ito na nakakatulong at nakapaghahatid ng serbisyo sa mga kababayang nangangailangan ng tulong sa pamamagitan ng OVP.

Nagkataon din aniya na isa sa kanila ay nagdiriwang ng kaarawan kaya minarapat ng OVP na surpresahin siya sa kaniyang espesyal na araw.

Kaugnay rito ay nagpaunlak din ito ng panayam sa mga media roon at nagpapasalamat ito sa pagkakataon at panahon na makasama sila.

Muli ay nagpasalamat ang bise presidente sa mga kasama nito sa Western Mindanao Satellite Office!

 

Editor’s Note: This article has been sourced from the Inday Sara Duterte Facebook Page.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble