OVP budget, hindi dapat maapektuhan dahil sa umano’y pambabanta ni VP Sara

OVP budget, hindi dapat maapektuhan dahil sa umano’y pambabanta ni VP Sara

IPINUNTO ni Senadora Grace Poe, Chairperson ng Committee on Finance na hindi nakabatay sa isang personalidad ang pagbibigay ng budget ng isang opisina.

Ito ang tugon ni Poe matapos sabihin ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na posibleng ‘di na madagdagan ang 2025 budget ng OVP.

‘’This latest development can affect the budget of the OVP. We may decide that with her behavior, she and her office do not deserve more budget,’’ ayon kay Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III.

‘’Never namam dapat makaapekto yan eh. Hindi naman personality dito eh,’’ saad ni Sen. Grace Poe Chair, Committee on Finance.

Nakabitin ngayon ang desisyon sa badyet ng OVP kung itataas o pagtitibayin ang P733 milyon na inaprubahan ng Kamara.

Naunang pinaburan ni Senador Joel Villanueva na dagdagan ang badyet ng OVP matapos kumpirmahin na may apat o hanggang limang senador ang pumayag na itaas ang pondo ng tanggapan para sa 2025.

Tutol si Villanueva sa pagbabawas ng P1.2 bilyong pondo ng OVP na inaprubahan ng Kamara.

Pero para naman sa ilang mambabatas ang budget ng OVP ay nakasalalay sa majority bloc ng Senado.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter