OVP budget posibleng maapektuhan dahil sa umano’y pambabanta ni VP Sara

OVP budget posibleng maapektuhan dahil sa umano’y pambabanta ni VP Sara

POSIBLENG maapektuhan ang budget ng Office of the Vice President (OVP) dahil sa umano’y ginawang pagbabanta sa buhay ni Pangulong Bongbong Marcos.

Ayon kay Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III dahil sa sinabi ni VP Sara patungkol sa buhay ni Marcos ay posibleng ‘di na madagdagan ang 2025 budget ng OVP.

Nakabitin ngayon ang desisyon sa badyet ng OVP kung itataas o pagtitibayin ang P733 milyon na inaprubahan ng Kamara.

Pero para kay Senadora Grace Poe ang pahayag ni VP Sara Duterte ay ‘di dapat makaapekto sa budget ng kaniyang opisina.

Ipinunto ni Poe, Chairperson ng Committee on Finance na hindi nakabatay sa isang personalidad ang pagbibigay ng budget ng isang opisina ng gobyerno.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble