OVP chief of staff, ipina-contempt ng Kamara dahil sa umano’y pangingialam sa hearing

OVP chief of staff, ipina-contempt ng Kamara dahil sa umano’y pangingialam sa hearing

KASALUKUYANG nananatili sa detention facility ng Kamara ang chief of staff ng Office of the Vice President na si Usec. Zuleika Lopez.

Ito’y matapos mai-cite in contempt dahil ayon sa Kamara, nangingialam ito sa pagdinig hinggil sa mga isyu ng kanilang tanggapan lalong-lalo na sa confidential funds.

Pinagbabatayan ng pagpapa-contempt kay Lopez ang ipinadalang sulat ng OVP sa Commission on Audit (COA) kung saan hiniling nito sa komisyon na balewalain ang isang subpoena mula sa Kamara na humihingi ng audit reports kaugnay sa confidential expenses ng OVP noong 2022 at 2023.

Sa sulat ng OVP, hindi nararapat na i-comply ang subpoena dahil maaaring malabag ang nakasaad sa batas hinggil sa ‘separation of powers’.

Sa panig ni Lopez, ang sulat na iyon ng OVP noong Agosto ay hindi naglalayong i-undermine o pasamain ang imahe ng Kamara.

Hiniling na rin ni Lopez na alisin ang contempt order ngunit hindi ito pinagbigyan at iminungkahi ng isang kongresista na mananatili ang OVP chief of staff sa detention facility hanggang Nobyembre 25 kung saan magkakaroon muli ng hearing ang Kamara.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble