NAGBIGAY ang Office of the Vice President (OVP) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng karagdagang P740,000 na tulong-pinansiyal sa nasa 27 na pamilya na naapektuhan ng oil spill sa Oriental Mindoro.
Sa pahayag ng OVP, 37 na mga magulang ng mga estudyante ng Francisco Tria Memorial School ang nakatanggap ng 20,000 na tulong-pinansiyal.
Ayon kay Regional Director of the DSWD Field Office MIMAROPA, ito na ang ikatlong partnership sa pagitan ng DSWD at OVP.
Dagdag pa ng OVP, nagsagawa rin ang Disaster Operations Center nito ng limang araw na relief mission sa Oriental Mindoro mula Abril 14-18, 2023.
Namahagi rin ang OVP ng nasa 1,616 na sako o 80,000 kilo ng bigas sa 8,241 na mga mangingisda.