OVP, ginawaran ang 8 indibidwal ng livelihood assistance grant

OVP, ginawaran ang 8 indibidwal ng livelihood assistance grant

SA patuloy na pagsuporta ng Office of the Vice President (OVP) sa mga kababayan nating nagnenegosyo, karagdagang walong indibidwal ang ginawaran ng livelihood assistance grant sa ilalim ng programang Mag Negosyo Ta Day noong Disyembre 20, 2024.

Pinangunahan ng OVP – Bicol Satellite Office ang awarding ceremony, kung saan nakatanggap ng tig-Php 15,000.00 bawat isa ang mga benepisyaryo na mula sa Legazpi City at Daraga na mayroong mga iba’t ibang negosyo tulad ng street food vending, sari-sari store, at carinderia.

Sa tulong ng Mag Negosyo Ta Day, layunin ng OVP na mabigyan ng sapat na suporta ang mga maliliit na negosyante upang mapalago ang kanilang kabuhayan at magkaroon ng mas maayos na kita para sa kanilang mga pamilya.

 

Editor’s Note: This article has been sourced from the Office of the Vice President of the Philippines Facebook Page.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble