MATAPOS na sumiklab ang apoy sa Barangays 123 at 118 sa Moriones, Road 10, Tondo, Manila, agad na umarangkada ang Office of the Vice President Kalusugan Food Truck (KFT) upang maghandog ng hot meals at bottled water sa kabuuang 220 fire volunteers kahapon, Abril 23, 2025.
Lubos na nagpapasalamat ang OVP sa LGU ng Tondo sa pakikipagtulungan at sa agarang aksiyon sa nangyaring insidente.
Sa ulat, nasa 1,000 pamilya ang nasunugan.
Nakatakda ring bumalik ang mga tauhan ng OVP Disaster Operations Center upang magsagawa ng relief operation sa susunod na mga araw.
Editor’s Note: This article has been sourced from the Office of the Vice President of the Philippines Facebook Page.