OVP Mag Negosyo Ta ‘Day nagbigay ng puhunan kay Jude ng Negros Occ.

OVP Mag Negosyo Ta ‘Day nagbigay ng puhunan kay Jude ng Negros Occ.

SI Jude, 40 taong gulang mula sa Pontevedra, Negros Occidental, ay isang sari-sari store owner na may pangarap mapalago ang kaniyang munting negosyo.

Sa tulong ng programang Mag Negosyo Ta ‘Day (MTD) ng Office of the Vice President (OVP), nakatanggap si Jude ng ₱15,000 livelihood grant noong Disyembre 10, 2024 sa pamamagitan ng OVP-Panay and Negros Islands Satellite Office.

Napalawak niya ang kaniyang paninda—mula sa mga pang-araw-araw na bilihin, ngayon ay nagbebenta na rin siya ng talaba, batitis, sinamak, at tuba, na patok sa mga bumibisita sa kanilang lugar sa tabing-dagat.

Dahil sa kaniyang sipag at tiyaga, lumago ang kita ng kaniyang tindahan, na ngayon ay kumikita na ng mahigit ₱5,000 kada araw—isang malaking tulong para sa kaniyang pamilya.

Ang MTD ay isa sa mga programa ng OVP kung saan layunin nito na tugunan ang kawalan ng trabaho at magbigay ng livelihood assistance sa mga Pilipinong kabilang sa vulnerable at disadvantaged sectors, kababaihan, at mga miyembro ng LGBTQIA+ community.

 

Editor’s Note: This article has been sourced from the Office of the Vice President Facebook Page.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble