MULING tumugon ang Office of the Vice President (OVP) sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha dulot ng bagyong #Enteng, sa lalawigan ng Rizal.
Sa pagpapatuloy ng relief operations ng OVP, nagtungo ang mga tauhan ng OVP Disaster Operations Center (DOC) sa Antipolo City upang maghatid ng tulong sa mga pamilyang nanunuluyan sa iba’t ibang evacuation centers.
Umabot sa 451 Relief Boxes (RBs) ang naipamigay sa mga pamilyang nasa walong evacuation centers na nasasakupan ng Barangay San Isidro at walong evacuation centers din sa nasasakupan naman ng Barangay San Jose sa naturang lungsod.
Inihandog rin natin ang mga canned goods na galing sa ating mga OVP partners.
Editor’s Note: This article has been sourced from the Inday Sara Duterte Facebook Page.