OVP, nag-abot ng tulong sa mga biktima ng pagbaha sa Caraga Region

OVP, nag-abot ng tulong sa mga biktima ng pagbaha sa Caraga Region

NAGPAABOT ng tulong ang Office of the Vice President Disaster Operations Center (OVP-DOC) sa mga residenteng sinalanta ng pagbaha na dulot ng low pressure area (LPA) sa Caraga Region.

Ayon sa OVP, kasama ng kanilang Surigao Satellite Office ang Quick Response Teams sa iba’t ibang field offices sa pagtugon sa pangangailangan ng mga sinalanta ng baha.

Namahagi ang ahensiya ng bigas at relief boxes sa mga bayan ng Lianga, Lanuza, Barobo at San Miguel sa Surigao del Sur.

Ginanap din ang relief operations sa Butuan City, Agusan del Norte, Agusan del Sur at Surigao del Norte.

Sa ulat ng OVP-DOC, nasa 13,488 pamilya o 57,276 indibidwal sa mga lalawigan ng Agusan del Sur, Agusan del Norte, Surigao del Norte at Surigao del Sur ang naapektuhan ng pagbaha.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter