NAMAHAGI ang Office of the Vice President (OVP) ng tig-10 kilong bigas sa 5,000 pamilyang naapektuhan ng baha dulot ng magkakasunod na mga Bagyong Aghon, Carina, at Enteng sa Mauban, Quezon Province ngayong araw, September 17, 2024.
Sa pangunguna ng OVP-Disaster Operations Center (OVP-DOC), katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), matagumpay na nabahaginan ng bigas ang mga pamilya na nagmula sa 40 na barangay.
Kabilang sa 40 barangay ay ang San Lorenzo, Rosario, Liwayway, Mabato, Concepcion, Balaybalay, Bato, Remedios, San Rafael, San Gabriel, Luya Luya, Daungan, Macasin, Sadsaran, Lual Poblacion, San Vicente, San Roque, Lual Barrio, Remedios, San Jose, Lucutan, Sto. Angel, Cagsiay 1 at 2, Polo, Bagong Bayan, San Miguel, Tapucan, Rizaliana, Santol, Sta. Lucia, San Isidro, Baao, Alitap, Abo-Abo, at Soledad.