NAGTUNGO ang Office of the Vice President (OVP) sa Municipality of La Castellana, Negros Occidental, para maghatid ng tulong sa mga evacuees na apektado ng pag-alburoto ng Mt. Kanlaon nitong Hunyo 6.
Mahigit 600 na relief box ang naipamahagi ng OVP sa mga evacuees na nagmula sa 5 barangay na kinasasakupan ng munisipalidad ng La Castellana.
Ang relief box ay naglalaman ng mosquito net, hygiene and dental kits, mga tsinelas, masks at disinfectant alcohol.
Bukod sa relief box ay nagbigay rin ng inuming tubig ang OVP para sa mga evacuees.
Sa pangunguna ng OVP – Panay and Negros Islands Satellite Office at sa tulong ng Municipality of La Castellana LGU, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Coastguard, Philippine Air Force at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay matiwasay na naipamahagi ang tulong sa mga evacuees.