NAGPAPASALAMAT ang Office of the Vice President (OVP) sa patuloy na pagtitiwala ng publiko kay Vice President Sara Duterte.
Kasunod ito sa inilabas na resulta ng Pahayag End of the Year survey ng Publicus Asia.
Ayon sa nasabing survey, nakakuha si VP Sara ng 37 percent na approval rating at 31 percent na trust rating.
Ang pangalawang pangulo ang nakakuha ng pinakamataas na approval at trust ratings kumpara sa iba pang apat na matataas na government official na sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., Senate President Chiz Escudero, Chief Justice Alexander Gesmundo, at House Speaker Martin Romualdez.
Sinabi ng OVP na patuloy nilang magiging inspirasyon ang sambayanang Pilipino para sa mas mabilis, epektibo, at tapat na serbisyo saanmang sulok ng bansa.