NAGSAGAWA ng relief operations ang Office of the Vice President (OVP) nitong Pebrero 7, 2025, matapos maganap ang isang sunog sa Pasil, Zone 5, Talisay City, Negros Occidental.
Agad na namahagi ang OVP – Panay and Negros Islands Satellite Office ng tig-10 kilo ng bigas sa bawat pamilyang naapektuhan ng sunog sa Talisay Gymnasium Evacuation Center, kung saan pansamantalang naninirahan ang mga apektadong residente.
Lubos na nagpapasalamat ang OVP sa matagumpay na relief operation sa pakikipagtulungan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), City Social Welfare and Development Office (CSWDO), at City Health Office (CHO) ng Talisay City, Negros Occidental.
Editor’s Note: This article has been sourced from the Office of the Vice President of the Philippines Facebook Page.
Follow SMNI News on Rumble