OVP nagsagawa ng relief operations sa La Castellana, Negros Occidental

OVP nagsagawa ng relief operations sa La Castellana, Negros Occidental

KASABAY ng ginanap na relief operations ng Office of the Vice President (OVP) Disaster Operation sa Canlaon City, tumungo din ang mga kawani ng OVP – Panay and Negros Islands Satellite Office sa La Castellana, Negros Occidental noong July 12 upang maghatid ng tulong sa mga kababayan nating nasalanta ng pag-alburuto ng Bulkang Kanlaon sa Canlaon City, Negros Occidental.

Bawat pamilya sa kabuuang 1,914 na mga residente mula sa mga apektadong barangay ng Cabagna-an, Manghanoy, Sag-ang, Mansalanao, Masulog, Biak na Bato, Cabacungan at Camandag ang nakatanggap ng tig-25 kilong sako ng Jasmine rice. Karamihan sa mga residenteng natulungan ay mga magsasaka.

Katuwang ng OVP sa aktibidad na ito ang La Castellana LGU, Philippine National Police, Philippine Army, Municipal Social Welfare and Development (MSWDO), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Brgy. Council, Brgy. Staff at Brgy. Tanod ng naturang mga barangay.

 

Editor’s Note: This article has been sourced from the Inday Sara Nation Facebook Page.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble