OVP nagsagawa ng relief operations sa Malita, Davao Occidental

OVP nagsagawa ng relief operations sa Malita, Davao Occidental

NAGSAGAWA ang Office of the Vice President (OVP) ng relief operations sa mga munisipalidad ng Davao Occidental, Davao del Sur at Davao Oriental noong Disyembre 26, 2024 dulot ng patuloy na pag-ulan dala ng Intertropical Convergence Zone.

Sa pamamagitan ng OVP Southern Mindanao Satellite Office, umabot sa 251 relief boxes at iba pang mga donated items ang naipamigay para sa mga biktima ng nangyaring sakuna.

Nakatanggap din ng mga donated rice at malong ang mga kapatid nating Muslim na biktima rin ng pagbaha at pagguho ng lupa sa Brgy. Lower Balas sa Malita.

Lubos na nagpapasalamat ang OVP sa PDRRMO Davao Occidental sa tulong na ibinahagi at sa lahat ng mga nagbigay ng donasyon para sa operasyon.

 

Editor’s Note: This article has been sourced from the Office of the Vice President of the Philippines Facebook Page.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble