NAGSAGAWA ang Office of the Vice President (OVP) ng thanksgiving activity sa Lingayen Civic Center Lingayen, Pangasinan.
‘’Kasama nating nagdiwang ang ating mga kababayan sa Lingayen, Pangasinan sa Thanksgiving Activity ng ating opisina sa Office of the Vice President noong Nobyembre ng nakaraang taon. Bahagi ito ng isinagawang pagdiriwang ng ika-89 Anibersaryo ng ating opisina.
Ipinaabot ko ang aking mensahe ng pasasalamat sa suporta at tulong sa ating opisina. Ipinaalala ko rin ang kahalagahan ng edukasyon para sa kanilang mga anak or apo lalo na sa pagbabago ng kanilang buhay. Binigyang diin ko rin ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa ating mga komunidad. At dahil malapit na rin ang eleksyon pinaalalahan ko rin sila na pag-isipan ng mabuti ang pagpili ng mga kandidato.
Maraming salamat sa Lokal na Pamahalaan ng Lingayen at lalawigan ng Pangasinan sa tulong at suporta sa mga programa ng Office of the Vice President. Nakakataba ng puso ang inyong pagpaparating ng suporta at pagmamahal sa akin at sa ating opisina.
Ang lahat ng ginagawa natin ay para sa Diyos, sa Bayan, at sa Pamilyang Pilipino.’’
Shukran.
Editor’s Note: This article has been sourced from the VP Inday Sara Duterte Facebook Page.