NAGSAGAWAa ng thanksgiving activity sa Valenzuela City Jail ang Office of the Vice President (OVP).
‘’Maligayang pagdiriwang ng kapaskuhan na makasama ang mga kapatid nating Persons Deprived of Liberty (PDL) sa Valenzuela City Jail kung saan isinagawa ang ating Thanksgiving Activity ng Office of the Vice President (OVP) noong December 13, 2024 sa Maysan Road, Malinta Valenzuela City, Metro Manila,’’ saad ng OVP.
Mahigit sa limandaang PDLs sa male and female dormitories ang nahandugan ng biyaya sa panahon ng kapaskuhan mula sa tanggapan ng OVP. Ang naturang aktibidad ay naging matagumpay sa pakikipagtulungan na rin ng mga opisyal ng naturang institusyon at ng tanggapan.
”Ang diwa ng Kapaskuhan — pagmamahalan, pagpapatawad, at pakikipagkapwa-tao — ay ating naibahagi sa ating mga kababayan kahit sa payak na pagdiriwang sa loob ng Valenzuela City Jail,’’ ayon kay VP Sara.
‘’Ang lahat ng ginagawa natin ay para sa Diyos, sa Bayan at sa bawat pamilyang Pilipino,’’ saad nito