OVP, nagsagawa ng tree planting activity sa Lagawe Central School

OVP, nagsagawa ng tree planting activity sa Lagawe Central School

NAGSAGAWA ng tree planting activity ang Office of the Vice President (OVP) sa Lagawe Central School sa bayan ng Lagawe sa lalawigan ng Ifugao noong Disyembre ng nakaraang taon na pinangunahan ni Vice President Sara Duterte.

Kabilang ito sa mga aktibidad sa pagdiriwang ng ika-89 na Anibersaryo ng OVP.

Kasama sa pagsagawa ng tree planting ang lokal na mga opisyal, punong-guro, at mga kawani ng Cagayan Valley Satellite Office ng OVP.

Ang pagtatanim ng mga puno ay bahagi ng programang PagbaBAGo: A Million Trees Campaign ng OVP na layuning makapagtanim ng isang milyong puno sa buong bansa bago matapos ang taong 2028 upang mapangalagaan ang kalikasan para sa mga susunod na henerasyon.

 

 

Editor’s Note: This article has been sourced from the Inday Sara Duterte Facebook Page.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble