BILANG bahagi ng PagbaBAGo: A Million Learners and Trees Campaign at pagdiriwang ng International Day of Forests, nagsagawa ang Office of the Vice President (OVP) ng tree planting activity sa Brgy. Omboy, Abucay, Bataan nitong Marso 21, 2025.
Umabot sa 2,000 mangrove trees ang naitanim ng mga kawani ng tanggapan, sa pangunguna ng OVP – Special Projects Division, katuwang ang DENR-CENRO Dinalupihan.
Layunin ng OVP na makapagtanim ng 1 milyon na mga puno sa buong bansa upang palakasin pa ang pangangalaga sa kalikasan, at sa pagpapatuloy sa nasimulang kampanya sa environment conservation at climate change reduction.
Editor’s note: This article has been sourced from the Office of the Vice President of the Philippines Facebook Page.