BILANG bahagi ng PagbaBAGo: A Million Trees Campaign, ang Office of the Vice President (OVP), sa pamamagitan ng OVP – BARMM Satellite Office ay nagsagawa ng Tree Growing Activity sa Brgy. Magsaggaw at Brgy. Kulape, Panglima Sugala, Tawi-Tawi noong Pebrero 27, 2025.
Nasa kabuuang 10,000 seedlings ang naitanim sa tulong ng Ministry of Environment, Natural Resources and Energy (MENRE), sa pamumuno ni Minister Akmad A. Brahim, at sa pamamagitan ni CENRE Officer District II Forester Abdulmukim J. Maruji.
Kabilang sa mga naitanim ay 5,000 rhizophora propagules at 5,000 indigenous species (Bahanan, Narra at Tulingan).
Matagumpay na naisagawa ang aktibidad kasama ang mga environmental advocates mula sa iba’t ibang local na organisasyon tulad ng Municipal at Barangay LGUs, Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection, Philippine Marine (MBLT 12), Philippine Navy, KALTIMEX, Tawi-Tawi Biker’s Club, Tawsi Rangers at mga mag-aaral ng Asaron Elementary School at Magsaggaw Elementary School.
Patuloy na isinusulong ng OVP ang pangarap ng isang luntian, masagana, at matibay na kapaligiran para sa lahat.
Editor’s Note: This article has been sourced from the Office of the Vice President Facebook Page.