OVP, namahagi ng relief boxes sa 270 pamilyang naapektuhan ng sunog sa Zamboanga

OVP, namahagi ng relief boxes sa 270 pamilyang naapektuhan ng sunog sa Zamboanga

NAMAHAGI ang Office of the Vice President (OVP) sa pangunguna ng Western Mindanao Satellite Office ng mga relief boxes sa 270 pamilyang naapektuhan ng sunog sa Calle Basa, Brgy. Tugbungan, sa lungsod ng Zamboanga.

Ang relief operation ay isinagawa nitong Disyembre 28 sa Tugbungan Elementary School, ang pansamantalang evacuation site para sa mga pamilyang biktima ng sunog.

Ang relief boxes na ipinamahagi ay may lamang hygiene kits, kumot at banig, tsinelas, expandable water jug, at iba pang kagamitan.

Sumiklab ang sunog noong umaga ng Disyembre 27, dalawang araw matapos ang Pasko.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter