NAMAHAGI ng relief goods ang Office of the Vice President (OVP) sa tinatayang 25 pamilya na apektado ng landslide sa Davao City.
Noong Hulyo 4 matapos ang tatlong araw na pag-uulan ay gumuho ang lupa sa bahagi ng Purok 46-B, San Vicente Bangkal sa Talomo kung saan napinsala ang mga bahay ng mga apektadong pamilya.
Sa kasalukuyan ay nananatili pa rin ang mga pamilyang biktima sa mga temporary shelter at evacuation centers sa lugar.