OVP namahagi ng tulong sa mga naapektuhan ng Bagyong Carina sa Laguna

OVP namahagi ng tulong sa mga naapektuhan ng Bagyong Carina sa Laguna

NAGTUNGO ang Office of the Vice President (OVP) sa anim na munisipalidad at dalawang lungsod sa Laguna, upang tulungan ang mga pamilyang nalubog sa baha dulot ng Bagyong Carina, nitong Agosto 13.

Sa pakikipag-ugnayan ng OVP-Disaster Operations Center (OVP-DOC) sa mga NGO, MDRRMO, MSWDO at CSWDO, matagumpay na naipamahagi ang 1,947 Food Bags (FBs) sa mga binahang pamilya.

Namahagi rin ang DOC ng tig-isang pack ng baby diaper na mula sa mga donasyon ng mga kaibigan ng OVP.

Kabilang sa mga natulungan ang 48 pamilya sa Los Baños, 50 pamilya sa Bay, 55 pamilya sa Calamba, 120 pamilya sa Calauan, 988 pamilya sa Alaminoz, 113 pamilya sa Famy, 310 pamilya sa Mabitac, at 263 pamilya sa San Pedro.

 

This article has been sourced from the Office of the Vice President of the Philippines Facebook Page.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble