DINAYO ng Office of the Vice President (OVP) ang bayan ng Dipaculao, Lalawigan ng Aurora, upang maghatid ng tulong sa mga nasalanta ng Typhoon #PepitoPH nitong December 4, 2024.
Sa pamamagitan ng OVP Disaster Operations Center (OVP DOC), naipamahagi ang mga relief bags sa 2,627 pamilya mula sa 7 Barangay ng Dipaculao, Aurora, kabilang na ang Barangay Dinadiawan, na tinuguriang Ground Zero, o sa mismong lugar kung saan dumaan ang bagyo.
Ang mga relief bags ay donasyon mula sa iba’t ibang mga grupo at indibidwal na naglalaman ng tig-5 kilong bigas, assorted canned goods, biscuits, assorted instant noodles, instant coffee, powdered milk, hygiene kits, sanitary napkins, diapers at mga bottled water.
Nagpapasalamat ang OVP sa tiwala ng mga nagbigay ng donasyon na ito.
Editor’s Note: This article has been sourced from the Office of the Vice President of the Philippines Facebook Page.