SA muling pag-arangkada ng pamamahagi ng tulong ng Office of the Vice President (OVP) sa Negros Occidental ngayong araw, January 17, 2025, umabot sa 10,940 kilo ng bigas ang naipamigay sa mga pamilyang naapektuhan sa pagputok ng Bulkang Kanlaon.
Sa pamamagitan ng OVP Disaster Operations Center (OVP DOC) at OVP – Panay and Negros Islands Satellite Office, umabot sa 1,094 na pamilya ang nahatiran ng tig-10 kilong bigas sa La Carlota City, Negros Occidental.
Nauna rito, naihatid din ng OVP DOC Team at mga kawani ng OVP – Panay and Negros Islands Satellite Office ang mahigit 4,890 kilo ng bigas sa Bayan ng La Castellana na mula naman sa mga donasyon ng ating mga kababayan na ipinagkatiwala sa OVP.
Editor’s Note: This article has been sourced from the Office of the Vice President of the Philippines Facebook Page.