OVP Thanksgiving Activity sa Barugo, Leyte

OVP Thanksgiving Activity sa Barugo, Leyte

SA pagpapatuloy ng selebrasyon ng 89th Founding Anniversary ng Office of the Vice President (OVP), nagsagawa ng Thanksgiving at Gift-giving Activity ang OVP sa Barugo Municipal Gym, Barugo, Leyte, ngayong November 20, 2024.

Sa pamamagitan ng OVP – Eastern Visayas Satellite Office, umabot sa 500 tricycle at pedicab drivers galing sa munisipalidad ng Barugo ang nabigyan ng food packs.

Nagpapasalamat ang OVP sa mga katuwang na ahensiya at opisyal tulad ng Barugo LGU at MSWDO Barugo na naging susi sa tagumpay ng aktibidad.

 

Editor’s Note: This article has been sourced from the Office of the Vice President of the Philippines Facebook Page.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble