NAKASAMA ni Vice President Sara Duterte ang mga kababayan natin sa Isabela City, Basilan para sa isang Thanksgiving Activity ng Office of the Vice President noong Nobyembre 27.
Ito ay isa sa mga kaganapan sa pagdiriwang ng ika-89th Anniversary ng OVP.
Ipinaabot ni VP Sara ang mensahe ng pasasalamat sa suporta at tulong ng OVP.
Ipinaalala rin nito ang kahalagahan ng edukasyon sa pagbabago ng buhay.
Binigyang-diin din ng bise presidente ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa mga komunidad.
Ngayong panahon ng Kapaskuhan, ipinapaabot nito ang kaniyang mensahe ng pagmamahal at pagpapatawad lalo na sa bawat pamilya.
Muli ay pinasalamatan ni VP Sara ang Lokal na Pamahalaan ng Isabela City sa tulong at suporta sa mga programa ng Office of the Vice President.
Nakakataba aniya ng puso ang kanilang pagpaparating ng suporta at pagmamahal sa kaniya at sa opisina ng OVP.
Editor’s Note: This article has been sourced from the Inday Sara Duterte Facebook Page.