OVP Thanksgiving Activity sa Isla ng Socorro, Surigao del Norte

OVP Thanksgiving Activity sa Isla ng Socorro, Surigao del Norte

BILANG bahagi ng selebrasyon ng ika-89 na Founding Anniversary ng Office of the Vice President (OVP), matagumpay na naisagawa ang Thanksgiving Activity sa Isla ng Socorro, Surigao del Norte nitong Disyembre 2, 2024.

Sa pamamagitan ng OVP – Caraga Satellite Office, umabot sa mahigit 1,000 benepisyaryo mula sa limang barangay sa isla ang nakatanggap ng gift packs.

Karamihan sa mga benepisyaryo ay mga mangingisda, magsasaka, at fish vendors.

Lubos ang pasasalamat ng OVP sa lahat ng mga volunteers, Barangay Health Workers, at mga barangay tanod ng Barangay Taruc, Socorro, sa kanilang suporta upang maging maayos at matagumpay ang distribusyon.

 

Editor’s Note: This article has been sourced from the Office of the Vice President of the Philippines Facebook Page.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble