SA pagpapatuloy ng selebrasyon ng 89th Founding Anniversary ng Office of the Vice President (OVP), matagumpay na isinagawa ang OVP Thanksgiving Activity sa Toledo City, Cebu noong November 25, 2024.
Kabilang sa mga aktibidad ang pamamahagi ng 485 Pagbabago Bags sa Don Andres Soriano Elementary School para sa mga mag-aaral ng Grade 2 (225) at Grade 5 (260). Sinundan ito ng tree planting activity sa Barangay Hall ng Ilihan, na naglalayong isulong ang pangangalaga sa kalikasan.
Ginanap din ang awarding ceremony para sa anim na indibidwal na benepisyaryo ng Mag Negosyo Ta’ Day Program. Samantala, sa Ilihan Covered Court, 1,600 benepisyaryo mula sa sektor ng Senior Citizens, PWDs, Fisherfolks, Farmers, at Muslim Community ang nakatanggap ng tulong.
Lubos na pasasalamat ang ipinapaabot ng OVP sa mga katuwang sa aktibidad na kinabibilangan ng mga Barangay Captains ng Ilihan, Tungkay, Dumlog, at Magdugo, mga barangay tanod, Barangay Health Workers, Philippine National Police sa Lutopan at Toledo City, FRVC, Equalizer, at Criminology Students.
Editor’s Note: This article has been sourced from the Office of the Vice President of the Philippines Facebook Page.