OVP-Western Mindanao Satellite Office nagtanim ng 3,000 puno sa Zamboanga City

OVP-Western Mindanao Satellite Office nagtanim ng 3,000 puno sa Zamboanga City

BILANG bahagi ng PagbaBAGo: A Million Trees Campaign, pinangunahan ng OVP – Western Mindanao Satellite Office ang pagtatanim ng 3,000 mangrove propagules sa Brgy. Talabaan, Zamboanga City noong Abril 4, 2025, katuwang ang Zamboanga City Environment and Natural Resources Office (CENRO).

Umabot na sa 23,000 puno ang naitanim ng OVP-WMSO mula nang magsimula ang taon — katumbas ng 69.4% ng taunang target.

Layon ng kampanya na makapagtanim ng 1 milyong puno sa buong bansa bilang suporta sa mga hakbang para maprotektahan ang kalikasan at paghandaan ang epekto ng climate change.

 

Editor’s Note: This article has been sourced from the Office of the Vice President of the Philippines Facebook Page.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble