OWWA hihingi ng dagdag pondo na magamit sa pagpapauwi ng mga OFW na na-stranded sa ibang bansa

OWWA hihingi ng dagdag pondo na magamit sa pagpapauwi ng mga OFW na na-stranded sa ibang bansa

HIHINGI ng dagdag na pondo ang Overseas Workers Welfare Association (OWWA) upang magamit sa repatriation program ng mga Pilipinong manggagawa na na-stranded sa ibang bansa.

Sa Laging Handa public briefing,  sinabi ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, ang kasalukuyang pondo ng ahensya ay nakalaan para sa susunod na tatlong buwan at kinakailangan pa ng dagdag na pondo para sa pag-uwi ng marami pang Overseas Filipino Workers (OFW).

Ayon kay Cacdac, ang dagdag na pondo ay bukod pa sa P5.2 billion additional funds na ibinigay ng Department of Budget and Management (DBM) noong nakalipas na buwan na hiningi ni Labor Secretary Silvestre Bello III.

Sinabi ni Cacdac na mayroon ng 612,000 OFWs na-stranded ang nakauwi na sa bansa simula pa noong 2020 kung saan kargo ng ahensya ang kanilang swab testing, flight tickets at quarantine sa bansa.

Dagdag pa nito na nasa 70,000 hanggang 80,000 Pilipino pa ang nag-aantay na makauwi subalit maari pa itong madagdagan ng 130,000.

Una nang sinabi ng Department of Labor and Employment (DOLE), na mayroong apat pa na repatriation flights ang naka-iskedyul ngayong buwan.

 

 

SMNI NEWS