OWWA, may inihanda nang livelihood program para sa displaced OFWs

OWWA, may inihanda nang livelihood program para sa displaced OFWs

APRUBADO na ng Board of Trustees ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang isang livelihood program para sa mga displaced OFWs.

Sa naging panayam ng SMNI News kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, bukas na ang naturang livelihood program at maaari na silang tumanggap ng aplikasyon mula sa OFWs.

“Yung tinatawag na Tulong-Puso Program. Basta mag-group lang at least into 5. 80% of which should be OFWs at mayroon tayong grant. Grant ito – bigay na pang-capital nila sa negosyo, PhP 150,000 hanggang PhP1 million.”

         Admin. Hans Leo Cacdac, OWWA

Ibinahagi pa ni Cacdac na nasa 270,000 na mga displaced workers na rin ang nakatanggap ng financial assistance mula sa Department of Labor and Employment  (DOLE).

Samantala, tuloy-tuloy naman aniya ang kanilang pagpapauwi sa mga Pinoy dito sa Pilipinas.

“For today mayroon tayong inaasahan sa Middle East, sa Dubai at sa Saudi Arabia. At patuloy naman ito. Mga 2 o 3 times a week, nakakapagpauwi na yung tinatawag na special flights – special flight mula Middle East. Dahil hindi nga regular ngayon ang commercial flights.”

          Admin. Hans Leo Cacdac, OWWA

Sa ngayon ani Cacdac ay nasa 168,000 overseas Filipino na ang nakauwi sa kani-kanilang mga probinsiya.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.