PLANONG magpatayo ng dalawang research centers ang Oxford University ng United Kingdom sa Estado ng Rio De Janeiro sa Brazil.
Napagkasunduan ng Brazil at United Kingdom ang pagtatayo ng extension ng research centers ng Oxford University sa Rio De Janeiro.
Magtutulungan ang dalawang bansa sa Science and Research na magfofocus sa National Cancer Institute, National Heart Institute, at National Institute of Traumatology and Orthopedics.
Una naman nitong magiging proyekto ay ang Cardiology, Artificial Intelligence, Primary Care and COVID-19.
Pahayag ni Rio De Janeiro Mayor Eduardo Paes na ipagmalaki nito na napili ng Oxford ang siyudad para sa pagtatayo ng Research Centers at masaya itong tatanggapin ang nasabing proyekto.
Ang University of Oxford ang developer ng AstraZeneca immunizers na ginagamit kontra COVID-19 na umabot na sa 118 milyong doses ng bakuna na naipamahagi sa buong bansa.