TUMANGGAP ang Philippine National Police (PNP) ng 11 milyong pisong donasyon mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Iniabot ni PCSO General Manager Melquiades Robles ang tseke kay PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. sa PNP National Headquarters, Camp Crame, Quezon City.
Ayon kay Azurin, gagamitin ang nasabing halaga sa healthcare program ng PNP lalo na sa pag-upgrade ng kagamitan.
Gayundin sa pagbili ng mga gamot para sa mga pulis at kanilang mga dependent.
Naniniwala si Azurin na sa ganitong paraan ay matitiyak na napapangalagaan ang kalusugan ng mga pulis sa tuwing tinutupad nila ang kanilang tungkulin.