P1.2-M halaga ng marijuana, nasabat sa Laguna

P1.2-M halaga ng marijuana, nasabat sa Laguna

ARESTADO ang mag-live in partner matapos ang buy-bust operation sa Sta. Rosa, Laguna.

Ayon kay Police Colonel Rogarth Campo, acting provincial director ng Laguna Police, kinilala ang mga suspek na sina Wilhem Amoroso Dueñas, 18 taong gulang at Diane Trisha Aguilar Sardan, 18 taong gulang.

Nabatid na ang dalawa ay high-value target ng pulisya sa Sta. Rosa, Laguna.

Nalambat sila matapos na makipagtransaksyon sa pulis na nagpanggap na poseur buyer kapalit ng P2,000.

Nakuha sa operasyon ang 10 kilo ng hinihinalang marijuana na may DDB value na P1.2-M.

Dinala ang dalawa sa Sta. Rosa City Police Station na mahaharap sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Follow SMNI NEWS on Twitter