P1.2B halaga ng ilegal na vape at pekeng produkto nasabat sa Malabon

P1.2B halaga ng ilegal na vape at pekeng produkto nasabat sa Malabon

NASABAT sa Malabon City ang nasa P1.2B halaga ng pinaniniwalaang ilegal na mga vape at pekeng produkto.

Kabilang sa mga pekeng produkto na nadiskubre sa isang warehouse sa Brgy. Tanong ang iba’t ibang appliances, damit, cosmetics, sapatos, at bag.

Ayon sa Bureau of Customs (BOC), may masamang epekto sa kalusugan ang mga pekeng produkto, lalo na ang mga nadiskubreng cosmetics.

Samantala, ang mga vape naman ay walang stickers mula sa Bureau of Internal Revenue at Department of Trade and Industry, dahilan para ituring itong iligal.

Sa ngayon, nakasara na ang warehouse at inatasan ang mga may-ari at operator nito na magpaliwanag sa loob ng 15 araw hinggil sa legalidad ng mga produkto.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble