UMABOT na ng P1.2B ang mga baryang nakolekta sa coin deposit machines ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Batay ito sa inilabas na datos ng BSP hanggang Enero 15 ngayong taon.
Ang nabanggit na halaga ay katumbas ng P310M piraso ng barya.
Ang coin deposit machines ng BSP ay inilunsad noong Hunyo 30, 2023 sa Metro Manila at karatig-probinsiya.
Layunin nito ang maibalik sa sirkulasyon ang mga nakatenggang barya at matugunan ang pangangailangan ng bansa sa pera.
Ang sinumang naghulog ng barya sa coin deposit machines ay maaaring mailipat ang halaga nito sa kanilang GCash o Maya digital wallet accounts.
Maaari din itong mai-convert bilang shopping vouchers.
Follow SMNI News on Rumble