P1.3-M halaga ng shabu, nakumpiska sa high-value target ng PDEA sa Pangasinan

P1.3-M halaga ng shabu, nakumpiska sa high-value target ng PDEA sa Pangasinan

ARESTADO ang isang high-value target drug personality sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa lungsod ng Pangasinan.

Isinagawa ang operasyon ng pinagsanib-puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Pangasinan Provincial Office (PDEA PANGPO) (PRO I-RIU), Pangasinan Police Provincial Office-Provincial Drug Enforcement Unit (PPO-PDEU) at Urdaneta City Police Station.

Ayon sa isinumiteng report ni PDEA RO 1 Regional Director, Director III Joel B Plaza, sa tanggapan ni Director General Moro Virgilio Lazo, kinilala ang suspek na si Christopher Ryan Lorenzo Velasquez.

Nasa wastong edad, nakumpiska sa operasyon ng mga operatiba ang dalawang piraso ng knot-tied transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu na humigit-kumulang 200 gramo, isang black belt bag, isang brown box, isang brown wallet, isang identification card (Postal ID), isang mobile phone, isang brown paper bag, tricycle, susi, at ang buy-bust money.

Sa pakikipag-ugnayan ng DZAR SMNI Radio sa tanggapan ng PDEA Region 1, sa San Fernando City, La Union sinabi ng kanilang Pubic Information Chief na si Ms. Mariepe, kanilang sinampahan ng kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), at Section 15 (Use of Dangerous Drugs), Article II ng RA 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek na ngayon ay kasalukuyan nakapiit sa PANGPO Detention Facility, Urdaneta City, Pangasinan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble