P1.7-M halaga ng hindi ligtas na produkto, winasak ng BOC Port of NAIA

P1.7-M halaga ng hindi ligtas na produkto, winasak ng BOC Port of NAIA

NASA P1.7 milyong halaga ng mga inabandona at expired na produkto ang winasak ng Bureau of Customs (BOC)-Port of Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa BOC, Enero 6, 2023 nang dumating ang mga produkto na walang mga required clearance.

Sinira ang mga produkto sa pamamagitan ng thermal decomposer (pyrolysis) facility ng Integrated Waste Management Inc. (IWMI) sa Trece Martires City sa Cavite.

Ang naturang hakbang ay isang border protection initiative ng BOC para maprotektahan ang publiko mula sa mga hindi ligtas at mapanganib na consumer products at mapaluwag ang mga bodega sa mga overstaying shipments.

Follow SMNI NEWS in Twitter