P1.7-M halaga ng shabu mula Bilibid, nasabat sa Albay; tatlong tulak patay

P1.7-M halaga ng shabu mula Bilibid, nasabat sa Albay; tatlong tulak patay

NASABAT sa Albay ang P1.7-M na halaga ng shabu mula Bilibid sa tatlong kalalakihan.

Naging mas agresibo at epektibo ang ipinapakita ng mga awtoridad sa pinaigting na kampanya kontra iligal na droga.

Nitong Martes nakuha ng mga Police Regional Office 5 Albay ang hinihinalang droga na may timbang na 350grams o P1.7-M halaga ng shabu.

Narekober ng SOCO ang calibre 45 at 38 maging ang sasakyang gamit nito na Suzuki Ertiga na may plakang G1Z805.

Kinilala ang mga suspek na sina Ramon Mutoc alias Omar, at Jose Maria Irvin Bautista na parehong taga 1435 St Louis Compound 5, Malinta, Valenzuela  City at hindi pa nakilalang kasamahan nito.

Nagpaputok ang mga suspek matapos makaramdam na pulis pala ang katransaksyon.

Rumesbak naman ang kapulisan na ikinasawi ng mga suspek.

Kasapi ang mga suspek sa ‘’Kilabot na Bahala Gang’’ na itinuturing high value target na nag-ooperate sa buong Bicol region.

Nangggagaling pa ng New Bilibid Prison ang mga droga ayon sa mga pulis at dinadala sa Valenzuela para i-repack.

Ayon kay Police Regional Office 5 Director PBGen. Jonnel Estomo, umabot ng isang buwan ang kanilang ginawang pagmanman sa mga suspek.

Aniya, ang katagumpayan na ito ay nagpapakita na kayang gawin lahat ng PRO5 makuha lang ang kanilang target.

We have been closely monitoring this case and what could be a better tribulation than this. This accomplishment is a loud statement on how PRO 5 breaks barriers to net our target,”ayon kay Estomo.

Nais nilang malaman kung paano nakakagalaw ng malaya ang droga sa Bilibid at naipupuslit pa ito.

“We have to make necessary recommendations to concerned authorities on how drugs freely circulated in the Bilibid prison and how the mobility of the goods were done with so much mastery,”dagdag nito.

Ipinagmamalaki naman ni Estomo ang naging matagumpay na operasyon at ang malaking pagbabago pagdating sa pagresulba sa iligal na droga.

“It is with great pride that I am reporting this case to PNP Chief Guillermo Eleazar that the institution has been dealing with drugs with utmost dedication. This is also to substantiate his statement that there has been a great improvement on the resolution of drug cases,” ayon kay Estomo.

SMNI NEWS