P1.8-B tax evasion case vs 69 na negosyante, inihain ng BIR sa DOJ

P1.8-B tax evasion case vs 69 na negosyante, inihain ng BIR sa DOJ

PERSONAL na naghain ng tax evasion case sa Department of Justice (DOJ) si Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo Lumagui, Jr. laban sa mga negosyanteng nagpapakalat ng mga sigarilyo na pineke ang stamp.

69 na kasong tax evasion ang isinampa ni Commissioner Lumagui sa mga nahuling traders kasama ang mga may-ari ng tindahan at warehouse kung saan ito nakaimbak.

Ang mga ito ay pawang mga nasakote ng BIR sa ikinasa nilang nationwide raid noong January 2023 katuwang ang mga tauhan ng Revenue Regions.

Nilinaw naman ng BIR na bukod sa peke ang stamp ay peke rin ang mismong mga sigarilyo na ibinebenta sa merkado.

Nabatid na umaabot sa P1.8-B ang nalugi sa gobyerno dahil sa mga ilegal na negosyo ng 69 na traders na kanilang kinasuhan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter