AABOT sa P1.89 bilyon ang inilaang pondo ng pamahalaan para sa National Electrification Administration (NEA).
Layon nito na pailawan ang libu-libong komunidad sa bansa at pagpatutupad ng ilang programa na nakapaloob sa ahensiya.
Kabilang dito ang barangay/sitio electrification project, electric cooperatives emergency and resiliency, at pagkakabit ng mga solar panel sa mga pampublikong gusali.
Mapupunta naman ang pinakamalaking budget na P1.68 bilyon ngayong 2023 sa barangay/sitio electrification project.
Layon nito na makapagpailaw ng nasa higit isang libo at isang daan (1,140) na sitio sa buong bansa.