P1-B budget para sa mga mag-aaral ng Agriculture, isinusulong

P1-B budget para sa mga mag-aaral ng Agriculture, isinusulong

PROBLEMA ngayon ng pamahalaan kung paano manghimok ng mga kabataan na mag-aral ng agriculture.

Sa modernong panahon ngayon, iniiwasan ng mga bagets ang pagsasaka, pagtatanim at iba pang agriculture related courses.

Kaya para makahimok ng mga estudyante para sa agriculture, isang scholarship ang isinusulong ngayon sa Kamara sa ilalim ng House Bill No. 2419 ni Agri Party-list Rep. Wilbert Lee.

“Dapat engganyuhin natin ‘yung mga kabataan na mag-aral nga nitong agrikultura. Isa nga dito yung tulungan natin sila. Alam naman natin na yung tuition kasi ano ay libre na talaga ito ng pamahalaan kaya lang, marami pa ditong gastusin na hindi nasasagot,” ani .

Oras na maisasabatas, libre na para sa agripreneurs” scholars ang pagbabayad ng mga sumusunod:

  1. Tuition at iba pang school fees;
  2. Allowance for prescribed books, supplies and equipment;
  3. Clothing or uniform allowance;
  4. Allowance for dormitory or boarding house accommodation, or transportation allowance, whichever is more applicable;
  5. Internship fees, including financial assistance during the required internship period;
  6. Licensure exam fees, if applicable, of the scholar concerned taken within one (1) year after graduation, and
  7. Subsistence or living allowance.

“Isinusulong din natin na sana maging exciting itong agrikultura sa mga kabataan no? By using our mechanizing and using our AI technology. Kung titignan mo sa ibang bansa rin halimbawa yung fertilizer or pesticide, drone yung ginagamit para ito po ay ilagay dito sa atin mano-mano,” dagdag pa nito.

Kwalipikado sa panukalang scholarship program na ito ang mga high school graduate at pasado sa entrance exams ng mga unibersidad.

Mandatory naman na magsilbi ng isang taon pagkatapos magtapos sa kolehiyo.

Ang Department of Agriculture ang hahawak sa P1-B na pondo.

Mensahe naman ni Lee sa mga kabataan…

Well nasa pagasasaka po talaga ano ang ating kinabukasan, ani Lee.

“Ang pagsasaka po ay napakaimportante po sa ating bansa, dito po natin kinukuha yung mga kinakain,” dagdag pa nito.