MAHIGIT isang milyong halaga ng smuggled na sigarilyo ang nasabat ng Bureau of Customs-Port of Zamboanga (BOC-POZ) sa Jolo, Sulu.
Ayon sa BOC, narekober ang nasa 30 cases ng smuggled na sigarilyo sa isinagawang mobile patrol operations sa Zone 3, Barangay Tulay.
Dinala naman ang mga nakumpiskang sigarilyo sa BOC sub-port of Jolo para sa inventory at disposition.