P10-K special risk allowance para sa private health workers, aprubado sa bicam ng Bayanihan 2

P10-K special risk allowance para sa private health workers, aprubado sa bicam ng Bayanihan 2

NAGTAGUMPAY ang House of Representatives sa paglo-lobby ng special risk allowance para sa mga health workers sa mga pribadong ospital.

Sa update na ibinigay ni House Speaker Alan Cayetano, inaprubahan ang P10,000 COVID-19 special risk allowance sa ilalim Bayanihan to Recover As One Act (Bayanihan 2).


Nakapaloob ito sa P10.5-B na pondo para sa kompensasyon ng mga medical frontliners sa pribado at pampublikong ospital na nangangalaga ng mga pasyenteng may COVID.

Sa kabila nito ay nanawagan si Speaker Cayetano sa private sectors na umagapay sa pamahalaan para mas mapagtuunan pa ng pansin ang pinaka-nangangailangan na mga Pilipino.

“In any crisis, the government is forced to prioritize with limited resources; you will have to ask the private sectors to, as much as they can, manage it on their own so the most disadvantaged ones can be accommodated. But at this point in this pandemic, there is hardly that distinction.” House Speaker Alan Peter Cayetano

Samantala, isa din sa probisyon ng Bayanihan 2 ay ang pagkakaloob ng P100,000 kompensasyon para sa health care workers na tinamaan ng severe infection ng COVID-19 mula Feb 1, 2020 hangang ngayon.

Nasa P162-B ang inaasahang pondo sa ilalim ng Bayanihan 2 na ngayon ay pinag-uusapan parin sa bicam.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.