WALA pang 10 minuto ay lusot na sa komite sa Senado ang pagdinig para sa 2025 proposed budget ng Office of the President (OP).
Ang panukalang budget ay nagkakahalaga ng P10.5-B, mas mababa ng 1.88 percent kumpara sa 2024 budget na nasa P10.7-B.
Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, sapat na ang nasabing pondo para sa foreign trips ng Pangulo at sa patuloy na pagpapatayo ng mga imprastraktura sa Malakanyang Complex na naantala noong pandemya.
“These projects are all implementation ready and shall be completed within the fiscal year in accordance with the cash-based policy.”
“Let me just point out that we crafted this budget within the parameters set by the Department of Budget and management,” ayon kay Lucas Bersamin, Executive Secretary.
Bilang bahagi ng tradisyon sa Senado at respeto sa Office of the President ay agad nang sinang-ayunan ni Sen. Grace Poe ang mosyon ni Sen. Jinggoy Estrada na tapusin na agad ang pagdinig.
Ang panukalang budget ng OP ay inaasahan na isasalang sa plenaryo sa Senado sa buwan ng Nobyembre.