P10.6-M, ibinigay ng POC bilang incentives sa 19th Asian Games medalists

P10.6-M, ibinigay ng POC bilang incentives sa 19th Asian Games medalists

NAGBIGAY ang Philippine Olympic Committee (POC) ng kabuuang P10.6-M para sa mga Pinoy athlete na nakasungkit ng medalya sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China.

Ginanap ang pamamahagi ng incentives sa naging general assembly sa East Ocean Palace restaurant sa Parañaque City nitong Disyembre 12, 2023.

Matatandaang sa Hangzhou, China ay nakakuha ang Pilipinas ng apat na gold, dalawang silver at 12 bronze medals.

Ilan sa mga binigyan ng incentives ay sina Annie Ramirez at Meggie Ochoa ng jiu-jitsu, Eumir Marcial ng boxing, at EJ Obiena ng pole vaulting.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble