P10-K Ayuda Bill para sa pamilyang Pilipino, ipinanukala muli ng isang mambabatas

P10-K Ayuda Bill para sa pamilyang Pilipino, ipinanukala muli ng isang mambabatas

LUMULUTANG muli ang panukalang one-time P10-K na ayuda para sa bawat pamilyang Pilipino.

Si Taguig City Rep. Ricardo Cruz, Jr. ang nagsusulong nito sa kasalukuyan dahil naniniwala siyang nakakatulong ito sa mga Pilipino hinggil sa mataas na presyo ng petrolyo at bilihin ngayong bumabangon palang mula sa COVID-19 pandemic.

Sa panukala ni Cruz, prayoridad ang mga ‘poorest of the poor’, senior citizens, persons with disabilities, solo parents, displaced, retrenched, at workers na nawalan na ng trabaho.

Kasama rin ang medical frontliners, pamilya ng mga OFWs, mga hindi nakatanggap ng ayuda mula sa Social Amelioration Program ng national government, at iba pang itinuturing na kasama sa vulnerable sector.

Ang mga Pilipino na nakalista rin sa Philippine Identification System (PIS) ang uunahin.

Nauna nang ipinanukala ni Senator Alan Peter Cayetano ang P10-K Ayuda Bill noong 2022.

Follow SMNI NEWS in Twitter