P100K cash prize ni Dennis Trillo mula sa 2024 MMFF, ibibigay bilang donasyon

P100K cash prize ni Dennis Trillo mula sa 2024 MMFF, ibibigay bilang donasyon

IBIBIGAY bilang donasyon ng aktor na si Dennis Trillo ang P100K na napanalunan nito bilang ‘best actor’ sa 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF) awarding ceremony nitong Disyembre 27, 2024.

Magiging benepisyaryo rito ang persons deprived of liberty (PDLs).

Sinabi naman ng aktor na suportado ng kaniyang asawang si Jennylyn Mercado ang desisyong ipamigay ang cash prize.

Samantala, sa 2024 Pinoy Prison Drama Film na ‘Green Bones’ bumida ang aktor.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble